^

Police Metro

4 bihag na pulis palalayain na ng NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinatupad  na ng tropa ng pamahalaan ang limang araw na tigil-putukan sa anim na bayan ng Surigao del Norte upang bigyang daan ang pagpapalaya sa apat na pulis na ginawang prisoners of war (POWs) ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP Eastern Minda­nao ang limitadong ceasefire ay ipinatupad sa mga bayan ng Placer, Bacuag, Tubod, Gigaquit, Alegria at Claver; pawang sa nasabing lalawigan na nag-umpisa nitong Hulyo 27 ng hapon at magtatapos sa Agosto 1.

Kabilang sa mga pulis na binihag ng New People’s Army (NPA), ang armed wing ng CPP-NDF ay sina PO3 Vic Calubag Concon, PO1s Rey O’niel Morales, Joen Zabala at Edito Roquino; pawang mga kasapi ng Alegria Municipal Police Station (MPS).

Magugunita na binihag ng tinatayang nasa 60 rebeldeng NPA na sumalakay sa Alegria MPS noong Hulyo 10 na kung saan ay dalawang pulis ang nasugatan habang tatlo ang nasawi sa panig ng mga rebelde.

 

ALEGRIA

ALEGRIA MUNICIPAL POLICE STATION

CAPTAIN ALBERTO CABER

EASTERN MINDA

EDITO ROQUINO

HULYO

JOEN ZABALA

NEW PEOPLE

REY O

VIC CALUBAG CONCON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with