^

Police Metro

Napoles ililipat na sa Camp Bagong Diwa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ng ipinalabas na kautusan ng Sandiganbayan ay posibleng  bukas ay mailipat  na sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan si pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP Public Information Office humihirit pa sila ng paglilinaw sa korte at konting panahon hanggang sa Lunes para mailipat ng kulungan si Napoles.

Sa kasalukuyan ay nakapiit si Napoles, ang tinaguriang mastermind sa P10 bilyong pork barrel scam sa Fort Sto. Domingo, Sta.Rosa, Laguna at kapag inilipat ito sa female dormitory ng BJMP sa Camp Bagong Diwa ay makakasama nito si Atty. Lucila “Gigi” Reyes.

Sinabi ni Sindac  na hihingi sila ng konting linaw sa Makati City RTC para naman  hindi malagay sa alanganin ang kapulisan na siyang binibigyang custody ng hukuman upang maiwasan ang magkaroon ng aberya o pakikipagbanggaan sa korte ang PNP.

Si Napoles ay nakulong sa Fort Sto. Domi­ngo sa Sta. Rosa, Laguna matapos namang ipag-utos ng Makati RTC Branch 150 kaugnay ng kasong serious illegal detention na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy.

Ayon kay Sindac, handa ang PNP na iturn-over sa BJMP si Napoles, pero alinsunod sa proseso ay kailangang matiyak muna kung alin sa kautusan ng dalawang korte ang dapat na manaig at sundin ng PNP

vuukle comment

BENHUR LUY

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF SUPT

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

MAKATI CITY

NAPOLES

PUBLIC INFORMATION OFFICE

REUBEN THEODORE SINDAC

SI NAPOLES

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with