Magkaibigan binaril habang naglalakad

MANILA, Philippines - Walang kaabog-abog na pinagbabaril ng hindi pa kilalang lalaki ang isang magkaibigan na naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa sa FS Pajares Ave­nue, Brgy. Santiago, Pagadian City.

Idineklarang dead on arrival ang biktimang si Joenel Vallejo na nagtamo ng mga tama ng bala.Habang nasa kritikal na kalagayan ang kaibigan nitong si Joel Torres habang masuwerte namang hindi tinamaan ang isa pang kasama nila na si Maria Mancia.

Sa ulat, bandang alas-12:15 ng madaling-araw ay kasalukuyang pauwi na ang tatlo at  naglalakad sa lugar nang biglang sumulpot ang isang nakamotorsiklong lalaki at pinagbabaril ang mga biktima saka mabilis na tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril.

Show comments