Doktor tinodas, pasyente nag-suicide

Sinisiyasat ng mga pulisya ang bangkay ng isang pasyente na nasa wheelchair na nagbaril sa sentido matapos na barilin habang nakaupo ang kanyang doktor na nagsabi sa kanya na hindi na siya makakalakad pa.- JOY TORREJOS-  

MANILA, Philippines - Pinatay muna ng isang pasyente sa pamamagitan ng pagbaril sa isang doktor bago ito nagbaril sa sarili naganap sa loob ng klinika sa Sacred Heart Hospital sa Cebu City kahapon ng  umaga.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa nasabing ospital dahil sa tama ng bala ang biktimang si Dr. Cris Cecil Abbu, orthopedic surgeon, tinatayang nasa mahigit 50-anyos.

Ang suspek na namatay din nang barilin ang kaniyang sentido gamit ang cal. 38 revolver ay kinilalang si Wilfredo Sabonsolin, 73-anyos, dating seaman.

Batay sa ulat, pasado alas-9:00 ng umaga ay nagtungo ang suspek sa klinika ng doktor na  matatagpuan sa Urgello St., Brgy. Sambag II ng lungsod upang magpa-checkup.

Muli tinapat ng doktor ang suspek wala na itong pag-asang makalakad dahilan matindi ang problema nito sa kaniyang spinal cord.

Sa matinding depresyon ay biglang binunot ng nasabing pasyente ang nakatago nitong cal. 38 revolver at binaril ang doktor na nasapul ng tama sa dibdib.

Sa pahayag ng ilang hospital staff nabigla umano sila sa bilis ng pangyayari kung saan ilang saglit pa matapos na barilin ang doktor ay nag-suicide naman ang suspek.

Show comments