Bangketa inararo ng jeep: 11 sugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang 11 katao na nasa bangketa matapos na sila ay araruhin ng isang pampasaherong jeep kamakalawa sa tapat ng Phi­lippine General Hospital sa kahabaan ng Taft Avenue, Maynila.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Christina S. Ponia, 66; Jan Ynay T. Quiz, 20; Daisy Alip, 35; Marcelo Brinces, 46; Rhael De Guzman, 26; Lourdes Piloton, 37; Petronilo Piloton, 36; Lucy Dela Peña, 56; Rosielyn Agapito, 35;Robielyn Agapito; at Francisco Mendez, 55.

Sa salaysay ng isang Emil A. Tema, mabilis umano ang takbo ng jeep (NYD-675) nang biglang sumulpot ang ambulansya palabas ng PGH kung kaya’t umiwas ang hindi pa nakikilalang driver at inararo ang mga biktima na kasalukuyang nasa bangketa.

Show comments