^

Police Metro

2 HS student dinukot, pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang high school student kabilang ang isang Filipino-British ang natagpuang patay matapos na sila ay dukutin ng dati nilang family driver sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat kamakalawa.

Ang mga nasa­wing biktima ay kinila­lang sina Rey Pacifico, 16-anyos, estudyante sa Tantangan Trade School at ang Pinoy-British na si Robert Mallet, 14-anyos ng Notre Dame of Marbel High School for Boys.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng dalawang biktima dahil sa matinding mga pukpok ng bato  at kahoy sa ulo, mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Ang bangkay ng da­lawa ay magkakahiwalay na itinapon sa madamong bahagi ng Brgy. Panga­sinan at Brgy. Laguilayan sa bayan ng Quirino.

Ayon kay Sr. Supt. Jose Briones Jr., Provincial Director ng South Cotabato Police na isang magsasaka na nagpapastol ng kalabaw ang nakatagpo sa bangkay ng dalawang binatilyo noong Linggo (Hulyo 20) dakong alas-4:00 ng hapon.

 Lumalabas sa imbes­tigasyon na ang dalawang biktima ay sinundo ng suspek na si alyas Pluto noong nakalipas na Sabado (Hulyo 19) sa kanilang bahay sa Brgy. Cabu­ling, Tantangan, South Cotabato.

Niyaya ng suspek ang dalawang biktima na maglaro ng basketball sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, subalit hindi na nakauwi ang dalawa.

Gayunman, nitong Linggo ay nagtungo si Pluto sa bahay ng pamilya Mallet at sinabi sa ina ng biktimang si Lorna Mallet na kinidnap ang mga biktima at humihingi umano ang mga kidnaper ng P 50,000.00 kapalit ng kalayaan ng mga ito.

Sinasabing nadamay lamang sa insidente si Pacifico na kaibigan ni Mallet dahil sa kilala ng mga ito si Pluto at posibleng kinabahan ang  suspek kaya pinaslang ang dalawang binatilyo.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na problemado ang suspek sa pera dahil maga-abroad ang misis nito kaya kinidnap si Mallet na anak ng kaniyang dating amo.

 Agad namang nagwithdraw ng pera ang ginang sa kaniyang ATM at sumama sa suspek pero noong Hulyo 20 ng tanghali ay natagpuan itong sugatan at nasa state of shock sa hangganan ng Brgy. Bagumbayan at Laguinlang.

Pinaghahanap ng pu­lisya ang suspek na isinama ang kaniyang pamilya sa pagtakas.

BRGY

HULYO

JOSE BRIONES JR.

LINGGO

LORNA MALLET

NOTRE DAME OF MARBEL HIGH SCHOOL

PRESIDENT QUIRINO

PROVINCIAL DIRECTOR

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with