Kelot dedo sa BFF

MANILA, Philippines - Tinapos ng dalawang matalik na magkaibigan ang matagal nilang pagsasamahan matapos na mauwi sa pananaksak ang kanilang paghaharap sa inuman na ikinasawi ng isa sa kanila sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Roderick Limbo, 25, habang ang kaibigan nitong suspect na si Mac Laine Lorrosa ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Caculba, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng suspect sa Daisy St., Ilang-ilang Extension, Payatas, ganap na alas 3 ng madaling araw, kung saan nakitang masayang nag-iinuman ang dalawa.

Ilang oras pa ay may tumawag na sa tatay ng biktima na si Domingo Limbo, dahil nakitang duguan at may saksak na ang biktima.

 Inaalam pa ng otoridad ang dahilan ng pagpatay ng suspect sa kanyang kaibigan.

Show comments