MANILA, Philippines - Lalo pa anyang babagsak ang trust rating ng Pangulong Aquino, sa kanyang ginawang national address.
Ito ang inihayag ni dating Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz dahil negatibo umano ang ginawang talumpati ng Pangulong Aquino sa pagtatanggol sa labag sa batas na Disbursement Acceleration Program (DAP) at pagkuwestiyon sa ruling ng Korte Suprema.
Ipinaliwanag ni Archbishop Cruz na nagkakaisa ang desisyon ng hukuman na unconstitutional ang DAP na nagresulta na 13-0 votes.
Maging ang apat na mahistrado ng Korte Suprema na itinalaga ng Pangulong Aquino ay bumotong labag sa 1987 constitution ang DAP.