MANILA, Philippines - Dahil anya sa teknikalidad kung kaya’t ibinasura ng Korte Suprema ang supplemental petition na inihain ni Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes na humihiling na ipawalang-bisa ang pag-aresto at pagdetine sa kaniya dahil sa kasong plunder.
Paliwanag ni SC spokesperson Atty. Theodore Te na ang pagbasura sa petisyon ni Reyes dahil sa teknikalidad.
Anya, hiwalay na petisyon at hindi “supplemental” ang inihain ng kampo ni Reyes dahil hindi ito sumusuporta sa mga nauna nang petisyon na inihain nito laban sa Ombudsman.
Hinihiling kasi ni Reyes sa kaniyang “supplemental petition” na ipawalang-bisa ang warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan third division.
Humihingi rin ito ng “injunction” o kautusan para mapatigil ang pagdinig ng Sandiganbayan sa kaniyang kaso.
Kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa si Reyes.