MANILA, Philippines - Hindi hinahamon ng Pangulong Benigno S. Aquino III ang Korte Suprema sa televised speech nito ukol sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ito ang ginawang pagtatanggol kahapon ni Justice Secretary Leila De Lima at maghahain sila ng motion for reconsideration dahil inaasahan pa rin nilang makikita ang merito ng pondo lalo na’t bakas naman anya ang epekto ng DAP sa pagbuti ng ekonomiya.
Matatandaang sinabi ni P-Noy sa kanyang speech nitong Lunes na hindi nito planong magkabanggaan ang “dalawang pantay na sangay ng gobyerno”.
Subalit, para sa ekonomistang si dating Budget Sec. Benjamin Diokno mistulang paghahamon at pambu-bully ito ni P-Noy sa SC.