Inuman niratrat: OFW todas, 4 sugatan

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pag-iinuman ng grupo ng kalalakihan matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa Caloocan City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Bernardino Hospital sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan ang biktimang si Greggy Tibang, 27-anyos, overseas Filipino worker.

Nasugatan naman sina Celso Morella, 38; Jeasam Almencion, 22; Edmund Celestra, 27; at John Carlo Tibang, 23.

 

Show comments