Mata ni Enrile muling sinuri

MANILA, Philippines - Muling sinuri kahapon ang mga mata ni Senador Juan Ponce Enrile sa Asian Eye Institute sa Makati City.

Bandang alas-6:00 ng umaga nang isakay si Enrile sa ambulansya ng PNP General Hospital patungong Asian Eye Institute sa Rockwell, Makati City.

Ayon kay Chief Supt. Alejandro Advincula, Director ng PNP Health Service, tumagal lamang ng 30 minuto ang checkup sa mata ni Enrile bago ito ibinalik sa pansamantala niyang ‘hospital detention’ sa PNP General Hospital pasado alas-8:00 ng umaga.

Show comments