MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng NBI sa Makati City Prosecutor’s Office ang 20 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity kabilang ang apat na babae at dalawang sumukong suspek na sangkot sa initiation rites na ikinasawi ng Dela Salle College of St. Benilde na si Guillo Cesar Servando.
Ayon kay Atty. Pete Principe, legal counsel ng pamilya Servando, nasa 15 umanong mga suspek ay pawang may tiyak nang identity habang 5 ang kilala lamang sa mga ginamit na alyas.
Ang mga babaeng sangkot ay pawang hindi naman umano nagpartisipa sa pagpalo sa biktima noong isagawa ang hazing rites, subalit may kinalaman sila sa nagaganap na hazing.
Ang dalawang sumuko na miyembro ng Tau Gamma Phi ay hindi pa rin ligtas sa kaso.