Kelot dedo sa pusoy

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 39-anyos na lalaki nang barilin ito sa ulo habang  naglalaro ng pusoy kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Rommel Suerte Felipe, ng no. 1348 Juan Nolasco St., Tondo, Maynila.

Ang suspek ay kinila­lang si Jojo Ignacio alyas “Jojo Tayman”, miyembro ng Sigue-sigue Commando gang na habang tumatakas ay nagpaputok ng baril sa ere.

Sa ulat, dakong alas 4:50 ng hapon nang barilin ang biktima habang nakikipaglaro ng pusoy sa may Banda 45 malapit sa  Juan Luna St., Tondo ng suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.

 

Show comments