Joy B magtuturo ng healthy lifestyle sa mga elderly

MANILA, Philippines - Isang lecture sa healthy lifestyle ang pa­ngungunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte para sa mga senior citizen sa ilalim ng Joy of Public Service Program.

Ang proyekto na pinamagatang “United Bayanihan Foundation” ay magbibigay ng  dagdag na  kaalaman at ideya sa mga elderly kung paano pahahalagahan ang sarili at ang kalusugan kahit may edad na.

Gagawin ang proyekto tuwing Miyerkules simula sa July 26  mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga sa lahat ng distrito ng lungsod.-

Show comments