Trader itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na negosyante ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding in tandem kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion North, Polanco, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang, Arceli Barte, ng Sitio Bless, Brgy. Anastacio, Polanco ng lalawigan.

Sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi ay kararating lamang ng biktima lulan ng motorsiklo sa kaniyang tindahan nang biglang sumulpot ang riding in tandem at pagbabarilin ito.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Show comments