COA chief mai-impeach
MANILA, Philippines - Posibleng ma-impeach si Commission on Audit (COA) chairman Grace Pulido-Tan kapag hindi kumilos para siyasatin ang Judicial Development Fund (JDF) ng Korte Suprema.
Ito ang banta ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga dahil dapat umanong idetalye na rin ng Korte Suprema sa publiko ang paggastos ng kanilang JDF.
Nilinaw naman ni Barzaga na ang kaniyang apela sa Korte Suprema ay hindi pagganti matapos ideklarang unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP).
Kung hindi anya gagawin ni Pulido-Tan ang pag-audit sa JDF ng Korte Suprema ay maaari din itong maharap sa impechment dahil sa ilalim ng konstitusyon ang Chairman ng COA ay impeachable din.
Pinaalalahanan ni Barzaga na ang obligasyon ng COA ay hindi lamang sa pag-audit PDAF o DAP ng Kongreso at Malakanyang kungdi maging sa pondong galing sa Korte Suprema.
- Latest