Kidnaper na Abu, nasakote

MANILA, Philippines - Nadakip ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang isang pinaghihinalaang kilabot na kidnapper ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon nitong Sabado ng mada­ling-araw sa Isabela City, Basilan.

Ang suspek na  kinilalang si Alih Salih alyas Abu Ali ay nasakote dakong alas-12:08 ng madaling-araw sa isinagawang joint law enforcement operations ng Army’s 104th Brigade at ng lokal na pulisya sa bisinidad ng Brgy.Panigayan, Malamawi Island, Isabela City.

Ang suspek ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay ng serye ng kidnapping na kinasangkutan nito tulad ng pagdukot sa 10 trabahador sa Golden Harvest  sa Brgy. Tairan, Lantawan, Basilan noong 2002.

Gayundin ang pagbihag sa may 50 guro at estudyante sa Tumahubong National High School sa Sumisip, Basilan noong 2000.

 

Show comments