MANILA, Philippines - Walong lalaki na hinihinalang mga miyembro ng bagong sibol na gun for hire ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa San Fabian, Pangasina.
Kinilala ang mga suspek na sina Aquilino Ramos, 39; Rommel Garces, 35; Carlito Valerio Jr; Ronnie Guillermo, 19; Dennis Arquillos, 26; Manny Picardal, 26; Alex Aragon, 50 at isa pang hindi natukoy ang pagkakakilanlan.
Nasamsam ang bulto ng sari-saring mga armas na kinabibilangan ng M16 rifles, baby armalite, dalawang cal.45 pistols, dalawang 9 MM pistol, sari-saring mga bala, uniporme ng pulis at militar, handheld radios at mga bullet proof vest.
Batay sa ulat, magkakasunod na sinalakay ng mga otoridad ang bahay nina Rafael de Vera at Roy Ramos sa Brgy. Nibaliw Narvarte ng bayang ito sa bisa ng search warrant na inisyu ni Acting Executive Judge Renato Pinlac ng San Carlos City Regional Trial Court Branch 57.
Nabigong maaresto ang may-ari ng bahay na sina Ramos at De Vera na nagkataong wala doon at tanging ang 8 suspek lang nadakip.