^

Police Metro

‘Emergency Go Bag’ ihanda kapag may lindol -MMDA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bawat pamilya na maghanda na ng kanilang “Emergency Go Bag” na maglalaman ng mga importanteng gamit at pagkain sa oras ng kalamidad.

Ang panawagan ng MMDA ay kanilang ginawa matapos ang  naganap na 5.7 magnitude na lindol na tumama sa Metro Manila nitong nakaraang Miyerkules.

Ang ‘Emergency Go Bag’ ay dapat naglalaman ng mga “first aid kits”, flash light, maliit na transistor radio, baterya, pito, lubid, pagkain na tumatagal tulad ng crackers, tubig at iba pa. Kailangan umanong tumagal ang laman ng Go Bag ng hanggang limang araw.

Bahagi ang pagha­handa ng “Emergency Go Bag” sa ibinibigay na “disaster preparedness trai­ning” ng MMDA patikular sa kanilang Rescue and Disaster warehouse na nasa Marikina City na maaaring daluhan ng publiko para malaman ang gagawing paghahanda sa oras ng kalamidad o trahedya.

 Nanawagan din ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ngayon ng sunud-sunod na “earthquake drills” para sa patuloy na edukasyon ng kanilang mga tauhan sa posibilidad na pagtama ng mas malakas na lindol.

Pinangangambahan ang posibilidad na isang mas malakas na lindol ang tumama sa Metro Manila dahil sa malaking “fault line” na bumabagtas sa buong Kamaynilaan at kara­tig lalawigan.

BAHAGI

EMERGENCY GO BAG

GO BAG

KAILANGAN

MARIKINA CITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANAWAGAN

RESCUE AND DISASTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with