Snatcher itinumba ng nakamotor

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang snatcher matapos na ito ay barilin ng hindi pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo na nakasaksi sa paghablot nito ng bag sa isang babae na pasahero ng jeep kamakalawa ng gabi sa Brgy. Talipapa, Quezon City.

Ang nasawing snat­cher ay kinilalang si Ma­nuelito Hitongo, 28, jobless, ng Bagbag, Novaliches.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Quirino Hiway malapit sa kanto ng Min­danao Avenue, Talipapa ay sakay ng isang pampasaherong jeep na Sangandaan ang biktima na si Sheryl Maralpes ng Camarin patungong Novaliches Bayan nang hablutin ng suspek ang kanyang bag.

Nakipaghatakan si Maralpes sa suspek sa kanyang bag nang big­lang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at sinigawan ang suspek.

Binitiwan ng suspek ang pagkakahawak sa bag at tumakas, subalit binaril ito ng hindi pa kilalang lalaki na sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

 

Show comments