^

Police Metro

Mayor, 7 pa kulong ng 10 taon

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkakulong mula 6 hanggang 10 taon ang inihatol ng Sandiganbayan 1st Division kay Aloguinsan, Cebu Mayor Cynthia Moreno at pitong iba pang opisyal ng bayan matapos mapatunayang guilty sa kasong paglabag sa Section 3 (e)  ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) dahil sa umanoy maanomalyang pagbili ng construction materials ng lokal na pamahalaan noong 2007.

Sa 27 pahinang de­sisyon  bukod kay Moreno kasama rin na mabibilanggo ang mga opisyal sa  Bids and Awards Committee na kinabibilangan nina  Municipal Civil Registrar Pepito Manguilimotan, Municipal Budget Officer Nonela Villegas, Municipal Agricultural Officer Marilyn Flordeliza, Utility Worker Gertrudes Ababon, Municipal Assessor John Lim, Utility Worker I Emilia Luz Celis at Municipal Engineer Orven Nengasca.

Bukod sa kulong, pinagbabawalan na rin ng batas na makapagtrabaho pa ang mga akusado sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Nag-ugat ang kaso sa pagbili ng 311 sheets ng composite aluminum pa­nels at iba pang  construction materials ng lokal na pamahalaan na may halagang  P1,190,037.50 mula sa  Diamond Interior Industries Corporation (DIIC) nang walang naisagawang bidding para dito.

Ayon sa graft court na dapat sanay magkakaroon ng bidding para sa procurement ng mga materyales  na may petsang August 25,2007,subalit hindi na ito nangyari dahil agad bumili ang mga akusado ng naturang mga materyales na anya ay nagkakutsabahan.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CEBU MAYOR CYNTHIA MORENO

DIAMOND INTERIOR INDUSTRIES CORPORATION

MUNICIPAL AGRICULTURAL OFFICER MARILYN FLORDELIZA

MUNICIPAL ASSESSOR JOHN LIM

MUNICIPAL BUDGET OFFICER NONELA VILLEGAS

MUNICIPAL CIVIL REGISTRAR PEPITO MANGUILIMOTAN

MUNICIPAL ENGINEER ORVEN NENGASCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with