ILOILO CITY, Philippines -- Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakaranas ng pagbatikos si Pangulong Benigno Aquino III mula sa apat na militanteng estudyante nang makalusot ito sa mahigpit na kordon ng pulisya habang ito ay nagtatalumpati sa inagurasyon ng Sen. Benigno Aquino Jr. Avenue sa lungsod kahapon ng umaga.
Napahinto sa kanyang talumpati si Pangulong Aquino sa ginawang pagbatikos sa kanya ng 4 na estudyante na agad namang dinampot ng pulisya at inilayo sa pagtitipon.
“Maraming salamat po sa kanila,†wika pa ng Pangulo patungkol sa 4 na estudyanteng bumatikos sa kanya habang ito ay nagtatalumpati.
Una nang na-heckle ang Pangulo dahil sa pagdiriwang ng ika-116 anibersaryo ng Kalayaan ng nag-iisang estudyante sa Naga City.