MANILA, Philippines - Nasamsam ng otoridad ang mga sari-saÂring armas kabilang ang anim na AK 47 rifles na hinihinalang kabilang sa idineklara ng PNP na nawawalang 1,004 mga armas sa isinagawang checkpoint sa highway ng Trento, Agusan del Sur kamakalawa.
Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang maharang sa checkpoint ng 133rd Regional Police Safety Company (RPSC) sa pamumuno ni Inspector Joebert Agpaoa ang Foton Thunder pickup na may temporary plate number 122604.
Nasamsam mula sa mga suspek ang isang unit ng M16 rifle COLT, isang unit ng M16 Elisco, dalawang magazine ng M16 rifle, siyam na maÂgazine na may 85 rounds ng bala, limang unit ng shotgun ARMSCOR, anim na unit ng AK47 rifles, 8 magazine ng AK 47 na may 127 rounds ng bala, 5 cal. 38 revolver, 2 units ng AR 15 na may 18 rounds ng bala.
Arestado naman ang mga suspek na sina Rick Luengas, 41, driver ng behikulo, Branch ManaÂger ng CARAGA Security Agency; Anna Carreon, 33 at Nestro Batangon, 33.
Nabatid na inilatag ang checkpoint sa national highway ng Sitio Maitum, Brgy. Langkilaan, Trento ng lalawigan matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na daraan ang isang behikulo na nagÂlalaman ng mga armas at bala.