MANILA, Philippines - Patay ang isang dating traffic enforcer nang patraydor na pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Si Arne Facundo, 31 ay dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital bunsod ng mga tama ng bala ng baril na tumama sa kanyang katawan.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 10:40 ng gabi habang ang biktima ay nakatayo at gumagamit ng cell phone. Sumulpot umano ang mga suspects mula sa likuran ng biktima at saka ito binaril.
Agad naman tumakas ang mga ‘di nakilalang suspects patungo sa Congressional Avenue.
Narekober sa lugar ang pitong basyo ng kalibre 45 sa lugar. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.