P1.5M shabu nasabat sa Zambo

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginawang interdiction operation ang  isang pakete na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa isang sangay ng courier service sa Zamboanga City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Alimuddin Ali, alyas Danhil Asi Amadin, 34, ng Arquiza Drive, Barangay Mampang, Zamboanga City.

Batay sa ulat, alas-11:25 ng umaga  sa isang sangay ng courier service na matatagpuan sa kahabaan ng Veterans Avenue, Zamboanga City nang kunin ng suspek ang package na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nakalagay sa loob ang 10 plastic sachet at nakatago sa ilalim ng rice cooker.

Show comments