15-anyos ni-rape ng 36-anyos na FB friend

MANILA, Philippines - Himas-rehas ang isang 36-anyos na mister matapos na maaresto ito sa isang entrapment operation nang muli nitong tinext ang 15-anyos na dalagita na nakilala niya sa Facebook para dalhin muli sa hotel at halayin.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Arnel Pascual, 36, nang tangkain niyang muling dalhin ang kinatagpong biktima para dalhin muli sa  hotel.

Ayon kay Supt. Elea­zar Matta ng Batasan police station na nakilala ng suspek ang 15-anyos na dalagita, high school student noong February 14 sa pamamagitan ng Facebook na nagpakilala sa pangalang David Mendoza at mahikayat ang biktima na maki­pagkita sa kanya sa kabila nang wala namang profile picture ang suspek sa kanyang FB.

Halos isang buwan nagpapalitan ng chat message ang suspek sa biktima hanggang sa napapayag ng una ang huli na magkita sila nitong April 17 sa isang fastfood restaurant sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Matapos na kumain ay inimbitahan ng suspek ang biktima na magpunta sa isang motel para magpamasahe at dito nangyari ang panghahalay.

Hindi nagsumbong ang biktima hanggang nitong Linggo ng umaga ay muling tineks ng suspek ang una na muli silang magkita sa isang hotel para mag-sex.

Aksidente namang nabasa ng isang kaanak ng biktima ang mensahe ng suspek sa cellphone at dito ay kinompronta ang dalagita hanggang sa ipinagtapat na siya ay inabuso at nagsabi na magkikita sila uli.

Nagpasya ang pamil­ya ng biktima na humingi ng tulong sa barangay official na nagsagawa ng entrapment at nang magtagpo ang biktima sa may Commission on Audit sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ay dito na dinakip ang suspek nang yakapin nito ang dalagita.

Show comments