Tatay na pumatay ng anak, inatake sa kulungan

MANILA, Philippines - Inatake sa puso sa loob ng kanyang kulungan ang isang ama na nakulong dahil sa pagpatay sa anak nitong babae sa Taguig City, kamakailan.

Ang suspek na namatay habang dinadala sa Taguig-Pateros District Hospital ay kinilalang si  Rizalino Ledesma, 77.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi nang mapansin ng isang bilanggo na si Mark Anthony Aguas, ang suspek na masama ang kalagayan kaya’t ipinaalam niya ito sa  nakatalagang detention cell guard na si PO3 Arnold Soriano.

Magugunita na noong Hunyo 3 nang barilin at mapatay ng suspek ang anak nitong si  Estrella dahil sa pagtatalo hinggil sa pagbebenta ng lupa sa kanilang tinitirhan sa Block 44, Lot 10, Barangay Pinagsama Village, Taguig City.

 

Show comments