MANILA, Philippines - May nakalaan na kalahating milyon piso (P500,000) na reward money sa sinumang maÂkapagtuturo sa bumaril at nakapatay sa bilÂyonaryong negosyante ng Cebu na si Richard Lim King, 57 noong Huwebes ng gabi sa gusaling pag-aari nito sa Davao City.
Inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na handa siyang magbigay ng P300,000 na dagdag sa P200,000 na inialok ng pamilya ni King.
Si King, may-ari ng Crown of Regency Hotels, Towers Cebu at mga resort ay pinagbabaril sa gusali ng Vital C Products na pag-aari rin nito sa isang pagtitipon ng mga distributor ng naturang health supplement sa Sobrecarey St., Brgy. Obrero.
Ayon naman kay Davao City Police Director P/Sr. Supt. Vicente Danao Jr. na isa sa malakas na motibo na sinisilip nila sa kaso ay alitan sa negosyo.
“May nabalitaan po kasi kami na maraÂming nakaaway itong biktima diyan sa Cebu, kung galit yung tao, susundan mo talaga siya, hindi siya taga rito, Cebu based businessman siya (King)â€, ang sabi pa ng opisyal.
Mukha rin na alam ng suspek ang opisina ng biktima sa Davao City na walang security guard at wala ring closed circuit television (CCTV) ang gusaling pag-aari nito.
Inihayag naman ni Police Regional Office VII Director C/Supt. Prudencio Tom Bañas na makikipagkoordinasyon sila sa Davao City Police sa imbestigasyon sa kaso tungkol sa business interests at background ni King sa Cebu City.