Van sumalpok sa footbridge: 2 todas

 Sa loob mismo ng sinasakyang delivery van nasawi ang dalawang pahinante matapos na sumalpok ang  kanilang van sa footbridge ng MMDA kahapon ng madaling-araw sa Quezon Avenue-EDSA, Quezon City.- Bening Batuigas-

MANILA, Philippines - Nayupi na parang lata ang isang delivery van nang sumalpok ito sa isang footbridge na ikinasawi ng dalawang lalaki kahapon ng madaling-araw sa  Edsa-Quezon Avenue, Quezon City.

Namatay noon din ang mga biktima na kinilalang sina Bener Bagungol, 30, may-asawa ng Brgy.Sacred Heart at Jess Jurios, kapwa pahinante.

Nasugatan naman ang driver ng van na si Eduardo Pabonita, 34, ng Brgy. Pinyahan sa lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay minamaneho ni Pabonita ang L-300 van (THB-406) galing ng Balintawak at patungo sa España sakay ang dalawang pahinante.

Nang mag-U-Turn ito sa Quezon Avenue, biglang sumalpok ito sa footbridge ng MMDA at sa lakas ng pagkakasalpok ay nawasak ang unahang bahagi ng van, dahilan para maipit ang dalawang pahinante na agad nilang ikinasawi.

Tumagal ng ilang oras bago tuluyang natanggal sa pagkakaipit sa driver’s seat si Pabonita, bago isinugod sa East Avenue Medical Center.

Show comments