MANILA, Philippines - Bumagsak sa estero ang isang lalaki na suspek sa pagnanakaw ng panabong na manok nang ito ay barilin sa ulo habang nasa bintana para tumakas naganap kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila.
Inilarawan ang suspek na nasa pagitan ng edad 38-42, may taas 5’6â€-5’8â€, katamtaman ang pangaÂngatawan, nakasuot ng kulay khaki na short pants at nakaÂyapak.
Sa ulat, alas-2:00 ng madaling-araw nang magnakaw umano ng manok ang suspek sa Alvarado St., Binondo, Maynila kaya’t hinabol ito ng mga nakakitang tambay, subalit nakatakas nang makatalon sa estero.
Ilang sandali ay namataan muli ng mga residente ang suspek na nasa ibabaw ng window grill ng isang condomimium unit sa ikaapat na palapag ng no. 915 Masangkay St., Binondo na kung saan ay may bumaril dito at bumagsak sa estero.