MANILA, Philippines - Nais ni Senator MiÂriam Defensor-Santiago na gawing biodegradable ang filters ng mga sigarilyong ipinagbibili sa bansa, matapos maratipikahan ng Senado ang panukalang batas na nag-uutos maglagay ng graphic health warÂnings sa mga pakete ng sigarilyo.
Sinabi ni Santiago na nakakadagdag ang mga filters ng sigarilyo sa tone-toneladang barusa sa bansa.
Ang filters aniya ng sigarilyo ay kabilang sa mga “most commonly discarded piece of waste†at tinatayang umaabot sa 1.69 bilyon pounds ng filters ang naiipong toxic trash sa buong mundo sa loob lamang ng isang taon.
Ipinunto pa ni Santiago na ang filters ng sigarilyo ay hindi natutunaw o bumabalik sa lupa at nagiging banta pa ito sa daluyan ng tubig at posibleng maging sanhi ng pagbabara ng mga drainage.
Malaking tulong aniya sa kalikasan kung gagawing biodegradable at mababawasan ang posibÂleng chemical reactions ang filters ng mga yosi.
Ang Senate Bill 2276 o Biodegradable Cigarette Filters Act of 2014 ni Santiago ay itinulad sa Senate Bill No. 3427 ng New York State Assembly.
Sa sandaling maging ganap na batas papatawan ng hindi lalampas sa P250,000 multa ang mga indibiduwal o korporasyon na lalabag sa kautusan.