^

Police Metro

Holiday pay bayaran ng tama-DOLE

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat bayaran ng tama ang mga manggagawang maglilingkod o papasok sa trabaho ngayong “Araw ng Kasarinlan”.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz na dapat isipin ng mga employer na sa pagbibigay ng tamang regular holiday pay sa mga kawani ay hindi lamang pagsunod sa business practice kundi maituturing ding patriotic duty o makabayang tungkulin.

Makakatanggap ng 100 porsyento ng kanyang suweldo para sa nabanggit na araw; kung pumasok naman ay dapat na doble ang kaniyang suweldo para sa  unang walong oras na trabaho; sakaling mag-overtime ay babayaran siya ng karagdagang 30-porsyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.

Kung  nagkataon namang rest day ng manggagawa, pero pumasok siya sa trabaho, babayaran siya ng karagdagang 30 porsyento  ng dobleng halaga ng kanyang sahod para sa nabanggit na araw o 200 por­s­yento ng kanyang arawang sahod.

ARAW

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

KANYANG

KASARINLAN

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

MAKAKATANGGAP

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with