‘Unfaithful wife’, arestado

MANILA, Philippines - Selda ang kinahantungan ng isang misis matapos na ireklamo ng kanyang mister nang pagtataksil at umano’y tangkang pagpatay sa kaniya kamakalawa sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Ang nasakoteng  suspek ay kinilalang si Adelfa Agga, 31-anyos at residente ng Brgy. Lumbayao, Kabasalan ng lalawigan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Gino Jovito Aranas, Presiding Judge ng 3rd Judicial Region sa kasong concubinage with attempted homicide.

Ang ginang ay inireklamo ng mister nito na itinago sa pangalang Tony dahilan umano sa pagpatol sa ibang lalaki na hindi pa nakuntento ay pinagtangkaan pa ang kaniyang buhay habang natutulog.

Ayon pa kay Tony na mas nais na niyang makulong ang kaniyang misis kaysa makita itong pinagtataksilan siya dahilan baka makagawa pa siya ng krimen.

Show comments