^

Police Metro

Signal No. 1 sa 3 lalawigan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinaas kahapon ang public storm warning signal number 1 sa buong parte ng extreme northern Luzon, matapos na maging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) kahapon.

Ayon sa PAGASA ang bagyo ay tatawaging depression,’’Ester’’, na nakita sa 120 kilometers north ng  Basco, Batanes as of 10 a.m.

Kaya’t inilagay sa signal no.1 ang lalawigan ng Batanes, Calayan, at  Babuyan groups of islands at asahan na ang 30 hanggang 60 kilometers per hour (kph) na hangin sa loob ng 36 oras.

Sinabi ng PAGASA na si Ester ay may taglay na lakas na  65 kph malapit sa gitna at maaaring pang lumakas hanggang 80 kph.

Patuloy na palalakasin ng bagyo ang habagat na magdudulot ng mga pag-uulan sa Ilocos Region, lalawigan ng Zambales at Bataan gayundin sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Si Ester ang ikalimang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2014.

AYON

BABUYAN

BASCO

BATANES

CALAYAN

ILOCOS REGION

ITINAAS

LUZON

METRO MANILA

SI ESTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with