‘Legal wife’ kalampungan ang ‘borrowed husband’

MANILA, Philippines - Hindi nagdalawang isip ang isang mister na ipakulong ang sari­ling misis matapos na mahuli nitong kalampungan ang isang lalaki na hinihinala nitong karelasyon sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang misis na ipinagharap ng kasong adultery ng mister ay si Pilar Bayani, 45, ng Brgy. Pinag-isa­han, Antipolo City at karelas­yon nitong si Angelito Paguia, 33, ng Phase 3, Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa salaysay sa pulisya ni Ricardo, 46, na sinundan niya ang misis na si Pilar nang umalis ng kanilang bahay sa Antipolo City dahil sa hinalang may kinakatagpo ito matapos magsumbong ang kanyang mga kapitbahay.

Pasado alas-12:30 ng madaling-araw nang makita niyang pumasok ang misis sa bahay ni Paguia sa Dagat-dagatan, Caloocan ang misis. 

Naghintay muna ng ilang minuto si Bayani bago pinasok ng bahay at bumulaga sa kanya ang dalawa na mistulang mga ahas umano na nag­lalampungan.

Agad namang hu­mingi ng saklolo sa mga barangay tanod si Ricardo at ipinadakip ang misis at si Paguia bago dinala sa presinto.

Ayon kay Ricardo, una niyang napansin ang panlalamig sa kanya ng misis tuwing magkasiping sila at nasundan ito ng palaging iritable at laging umaalis ng bahay kaya nagpasya siyang sundan ito.

 

Show comments