Naaagnas na bangkay natagpuan

MANILA, Philippine s- Natagpuan ang naag­nas na bangkay ng isang mister sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Allan Niño Manalansan, 31, may-asawa ng #52, Sta Maria St., Brgy. Bagumbayan sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Joe Gagaza, ang biktima ay natuklasan  sa loob mismo ng kanyang bahay,  dakong alas-3:00 ng hapon.

Sinabi ng testigong si Loraine Cruz, dadalhan sana niya ng pagkain ang biktima nang makalanghap siya ng masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng bahay nito.

Ilang ulit na kinatok ni Cruz ang pinto, pero hindi tumutugon ang biktima, dahilan para tawagin na niya ang tatay nitong si Mang Benedicto at puwersahang buksan ang pinto hanggang sa tumambad sa kanila ang bangkay.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima na posibleng ‘natural death’ ang pagkamatay nito pero masusi pang sinisiyasat ng pulisya.

 

Show comments