^

Police Metro

Dayuhan tinira ng Ativan gang

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Biktima ng mga kawatan na ativan gang ang isang 24-anyos na Spanish national at natangayan ng kanyang dalang salapi ng ipasyal sa ibat-ibang  lugar sa Maynila, noong Biyernes.

Sa reklamong inihain sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ng biktimang si Alberto Vilar, pansamantalang nanunuluyan sa #1750 Wanderer’ s Guest House sa Adriatico, Malate, Maynila, nagising na lamang siya na nasa loob ng kaniyang tinutuluyang hotel at wala na rin ang dala niyang P10,000 cash at Euro na 1,000 .

Sa pagkakatanda ng biktima, nagpakilala sa kanya ang apat na babaeng sina Elena, 65; Isabela, 55; Salvatora, 30 at isang may-ari ng pinuntahang bahay na si Gina Pastor at hindi kilalang lalaki na residente umano ng P. Herrera  St., Tondo, Maynila.

Nagsimula umano ang pangyayari nang lapitan siya ng  matatandang babaeng suspek habang nagla­lakad siya sa M. Adriatico  sa Malate noong hapon ng Hunyo 6.

Dahil sa mababait ay natuwa umano siya sa pakikipagkaibigan ng mga ito hanggang sa yayain siyang ipasyal sa  Quiapo at Avenida.

Nang mapagod ay niyaya pa siya sa bahay ng suspek na si Pastor dahil may handa umano sa birthday nito at doon sila kumain at uminom ng alak.

Nakaramdam umano siya ng hilo at hindi na niya alam ang sumunod na pangyayari at nalaman niyang inihatid siya ng isang taxi sa kaniyang tinutuluyang hotel.

Natatandaan niya umano ang mga histura ng mga suspek kung muli niyang makikita.

 

ADRIATICO

ALBERTO VILAR

BIKTIMA

BIYERNES

GINA PASTOR

GUEST HOUSE

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAYNILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with