MANILA, Philippines - Wala nang magaganap na pagdiriwang ng kasal ng isang mayor na gaganapin sana ngayong araw na ito matapos siyang mapatay at dalawa nitong kasama kabilang ang kanyang police escort nang sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Brgy. Poblacion sa Urbiztondo, Pangasinan.
Idineklarang dead on arrival sina Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong, miyembro ng Liberal Party na nagtamo ng mahigit 20 tama ng bala, security escort nitong si PO1 EliÂseo Ulanday at ang casual employee na si Edmund Meneses.
Nilalapatan ng lunas sa Regional Hospital sa Urbiztondo ang isa pang kasama na si Rex Ferrer.
Sa imbestigasyon, dakong alas-9:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa Rizal Street, Brgy. Poblacion, UrbizÂtondo.
Nabatid na nag-iinsÂpeksyon sa lugar ang alkalde para sana sa gaganaping ika-25 taong anibersaryo ng kasal nito sa kaniyang misis ngayong araw (Hunyo 8) na isasabay sana sa kasal ng anak na si Councilor Voltair Balolong nang paulanan ng bala ng mga armadong suspek.
Nabatid na biglang sumulpot sa lugar ang mga suspek na sakay ng kulay abong Innova na may conduction sticker YB6600 na pawang armado ng cal. 9 MM pistol at M 16 rifles at pinaputukan ang mga biktima.
Narekober naman sa follow-up investigation ang get-away vehicle ng mga suspek sa Brgy. Caoayan, San Carlos City ng lalawigan.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulsiya sa motibo ng krimen at isa sa sinisilip na anggulo ay hidwaan sa pulitika.