Pensiyon ng SSS tumaas

MANILA, Philippines - Epektibo ngayong buwan ay magbibigay ng dagdag na benepisyo ang Social Security System (SSS) sa lahat ng 1.9 milyong pensioners na tatanggap ng five-percent across-the-board pension increase.

Sinabi ng SSS, asahan na ng mga aktibong pensioners para sa  retirement, death disability ang dagdag na benepisyo sa kanilang bank account o pension checks.

Sinabi ni  SSS Vice President for Benefits Administration Agnes San Jose na ang bagong across-the-board pension increase ay babayaran simula August 2014 kasama na dito ang dagdag na halaga para sa  June at July.

 

Show comments