P-Noy pangungunahan ang Independence Day sa Naga City

MANILA, Philippines - Si Pangulong Benigno Aquino III ang mangunguna sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa Naga City.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, nakaugalian na ng Pa­ngulo na umikot sa iba’t ibang lalawigan para sa pagdiriwang ng Independence Day simula ng maupo itong presidente.

Idinagdag ni Valte na hindi naman layunin ng Pangulo na mag tour sa bansa sa Araw ng Kalayaan at sa halip ay binibigyan nito ng pagpapahalaga ang mga bayan na nagkaroon ng “special significance” para maging malaya ang bansa.

Idinagdag ni Valte na ang Pangulo ang mangunguna sa flag raising ceremony sa Naga City sa Hunyo 12.

Babalik ang Pangulo sa Maynila matapos ang selebrasyon sa Naga City upang pangunahan naman ang tradisyunal na “Vin d’ Honneur”.

Show comments