^

Police Metro

Pulis-Antipolo ‘inutil’ sa sunud-sunod na patayan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinondena ng Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) ang pagi­ging inutil ng pulisya ng Antipolo City sa sunud-sunod na pagpatay na homeowners association (HOA) presidents o urban poor leaders at organizers sa Pagrai Hills sa Brgy.Mayamot sa lungsod.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, ang pag-amin ni Antipolo Police Precint 1 commander Senior Ins­pector Perlito Tuayon na wala silang naaresto kahit isa sa mga suspek sa sunud-sunod na patayan sa lugar ay tanda ng pagiging inutil kaya dapat lamang masibak ito sa tungkulin.

“Dati rin akong pulis pero kailanman hindi katanggap-tanggap ang alibi na walang mahuli sa krimen dahil hindi kilala ang suspek,” ani Pineda. 

Nasa puwesto na sina Antipolo Police chief Superintendent Arthur Masungsong at Tuayon nang magkasunod pinaslang sina Cuencoville HOA officials Jojo Bacurro at Remy Sucaldito at noong Marso 24, pinaslang din si Cuencoville HOA president Dionisio Asencio na nasundan nitong Miyerkules ng gabi nang pagpaslang kay Pagrai HOA organizer Francisco Abad.

Nagsimula ang serye ng pagpatay sa mga urban poor leaders sa Antipolo lalo sa Cogeo area noong 2006 sa paglikida kina Maharlika HOA president Allan Albor at pangulo ng Pagrai HOA na si Maricar Mondejar.

vuukle comment

ALLAN ALBOR

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO POLICE

ANTIPOLO POLICE PRECINT

CUENCOVILLE

DIONISIO ASENCIO

FRANCISCO ABAD

JOJO BACURRO

KILUSAN KONTRA KATIWALIAN

MARICAR MONDEJAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with