^

Police Metro

Kadiring litrato sa pakete ng sigarilyo, ilalagay na!

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aprubado na sa House Committee on Health ang panukalang batas na naglalayon lagyan ng nakakadiring litrato ang mga pakete ng sigarilyo.

Layunin umano ng panukala na mabawasan pa ang bilang ng mga naninigarilyo at ipamulat sa kanila ang masamang epekto nito sa kalusugan.

Ang panukala ay isasalang sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara de Representantes. Kaila­ngan itong pumasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa para maipadala sa Senado na kailangan ding magpasa ng kanilang bersyon.

Subalit isa sa hindi napagkasunduan sa komite kung gaano kalaki ang litrato na ilalagay sa mga pakete.

Sa panukala, nais  ga­wing 85%  ng pakete ang laki ng litrato subalit kinontra naman ito ng mga kompanya ng sigarilyo na sinabi na sapat na ang 30%. Sa bandang huli ay nagkasundo na ang mga ito na gawin itong 40% kaya naipasa na ang panukala sa committee level.

APRUBADO

HOUSE COMMITTEE

KAILA

KAMARA

LAYUNIN

PANUKALA

SENADO

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with