Trader itinumba sa palengke

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 48-anyos na negosyante nang barilin sa ulo sa loob ng isang palengke sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Fermin Dasigan, 48, residente sa Camarin, Caloocan city.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon sa loob ng Star Market na matatagpuan sa Brgy. Sta Monica, Novaliches ay naglalakad ang biktima nang lapitan ng hindi pa kilalang suspek at malapitang binaril sa sentido. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa biktima.

 

Show comments