Salpukan ng 2 bus sa Commonwealth: 18 nasugatan

MANILA, Philippines - Labingwalo na pasahero ang nasugatan matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang bus sa isang bus kahapon ng umaga sa Commonwealth Avenue,Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga ay minamaneho ni Johnny Deladias, 50 ang Everlas­ting Bus patungong Philcoa at pagsapit sa kanto ng Commonwealth Avenue at Central Avenue, Brgy. New Era ay nawalan ito ng kontrol at bumangga sa hulihang bahagi ng Joyselle Express bus (TWB-184) na minamaneho ni Narciso Benlot, 34.

Sa lakas nang pagbangga ay nasugatan ang 16 pasahero ng Everlasting bus at dalawang pasahero sa Joyselle Express bus.

Show comments