Agawan sa pasahero, trike driver tinodas

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang tricycle driver ng kanyang mga kasamahan dahil sa agawan sa pasahero kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang nasawi ay kinilalang si Benjamin Alcantara, Jr., 31, ng 350 Libertad St., dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Isa sa limang suspek na pinaghahanap naman ng pulisya ay nakilala lamang sa “alyas Bobby”, ng Decena St.

Sa ulat, alas-12:20 ng madaling araw sa kanto  ng Decena at Libertad Sts., nang habulin ng bato ng suspek ang biktima matapos ang pagtatalo sa agawan ng pasahero.

 Nagawang makatakbo ang biktima, subalit  hinarang siya ng grupo ni Bobby kaya’t nang maabutan ay agad na pinalo sa ulo at isa sa  mga suspek ang nagpaputok ng baril na kung  saan ay tinamaan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

 

Show comments