Opening ng klase ipoprotesta ng mga guro
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng kahilingan na dagdag na suweldo ay nakatakdang magsagawa ng malawakang kilos-protesta bukas ang mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) bilang salubong sa pagbubukas ng school year 2014-2015.
Sinabi ni ACT Chairman Benjie Valbuena, ganap na ala-1:00 ng hapon nila pasisimulan ang kilos protesta at tatangkain nilang pasukin ang Palasyo ng Malakanyang, su balit kung haharaÂngin ay sa paanan na lamang ng tulay ng
Mendiola sila magsasagawa ng programa para sa kanilang kahilingan na umento sa suweldo.
Bukod sa Mendiola ay may programa ring inihanda para sa kanilang kahilingan na dagdag na suweldo ang mga guro sa Bacolod City, Ozamis, Davao City at iba pang panig ng bansa.
Hiling ng grupo na itaas ang kanilang suweldo na mula P18,549 ay
gawing P25,000 habang ang mga non-teaching staff na sumusuweldo ng
P9,000 ay gawing P15,000 kada buwan.
Kung magmamatigas ang gobyerno na huwag ibigay ang kanilang kahilingan ay itutuloy din nila ang pagsasagawa ng mass leave sa susunod na mga araw.
Nais ng ACT na isama na ng Pangulong Noynoy Aquino sa 2015 national
budget ang hirit nilang dagdag na suweldo.
- Latest