Manila Bay clean-up run

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ika-apat na Manila Bay Clean-Up Run sa ika-13 ng Hulyo 2014.

Ito ay bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa  3K, 5K, 10K, at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae. Magkakamit ng medalya at  cash prizes ang magwawagi sa bawat kategorya. 

Maari nang magpa­lista sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City. Magmula ika-24 ng Mayo tatanggap na rin ng rehistro sa Planet Sports (Trinoma), Athlete’s Foot (Alabang Town Center),  at ROX (Bonifacio Global City Taguig).

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, maaring tawagan ang Runners Link sa telepono bilang 482.5143 o kaya  0916.205.2787.

 

Show comments