PR chief ng land development firm, itinumba

MANILA, Philippines - “Wala kang puso, ang yayabang ninyo porket may mga baril kayo, hindi naman sa inyo ang lupa, papatayin ko muna isa-isa ang pamil­ya mo at ihuhuli kita” at “Pu……. mo Ricardo Mago,Wala kang puso, pinahihirapan mo mga residente ng Pangarap Village, Maghanda ka, papatayin ko buong pamilya mo bago kita barilin”.

Ito ang huling natanggap na death threat sa text ng biktimang si Ricardo Mago, emple­yado ng Carmel Deve­lopment Inc. at residente ng Bo. San Isidro, Tala, ng naturang lungsod bago ito natagpuang patay dakong alas-7:00 ng gabi sa tapat ng isang bahay sa may Saint Joseph Barracks, Tala, sa naturang lungsod.

Ayon sa isang saksi narinig niya ang putok ng baril at nakita ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki na papatakas. Lumalabas na ang Pangarap Village sa Caloocan ay pinag-aagawan ng mga residente at ng kumpan­yang pinaglilingkuran ng biktima.

Show comments