2 dating liquidation squad ng ABB nilikida

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang dalawang umano’y da­ting lider ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina George Acero “alyas Ka George”, 54, ng West Service Road, Barangay  Cupang Muntinlupa at Romeo Dacles, alyas Ka Joey ng Ilaya St., Brgy. Alabang.

Sa ulat, alas-6:30 ng gabi  sa Public Market sa may  Montillano St., Barangay Alabang ay nakatayo ang dalawang biktima  nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at nilapitan ang mga una at walang kaabopg-abog na pinagbabaril.

Kaya’t hinala ng pu­lisya na ipinalikida ang dalawang biktima ng kanilang dating mga kasamahan matapos silang tumiwalag.

Show comments